Sabado

-pinag papala ang nag mamahal ng tama-




                                                       image :credits to original uploader

-pinag papala ang nag mamahal ng tama-
naaalala ko pa nung tayoy elementarya
sa una palang na ikay nakita
di ko nga maamin sayo at sa iba
namula pa noon ay crush na kita

at super sarap ngang pakinggan
twing akoy tinatatawag mo saking pangalan
yung paraan ng pag ngiti mo
nanginginig at naaakit ako

inaasar mo pa ko noon sa iba
pero di mo lang alam sinta
na sa ganda mo ay nahumaling na
ayoko nang sa iyo ay mawalay pa 

pag nandyan ka tumitigil ang mundo ko
di na yata mag babago pintig  ng puso ko
nag simulang maging hangal ang katulad ko
iniisip na balang araw ay magiging tayo

pag lipas nga ng mga taon ikaw ay natanaw
at mula noon ay mas naging malinaw
na pangarap kita makasama sa gitna
at aalagaan hangang sa tayoy tumanda

sa internet hinanap ko ang pangalan mo
tinawagan ko ang labing isang numero
ang sabi mo pa nga ay adik ako
laging sinasabi ang "ganda mo"

sabihin mo man na ako ay sira ulo
sa pag sabi agad ng ilove you sayo
kukulitin talaga kita ng todo
dahil ikaw lang ang pangarap ko

hindi ko na palalampasin ang pagkakataon
akoy mangagahas na subukan ngayon
dahil pinag papala naman ang nag mamamahal ng tama.
hihilingin ko na ikaw sa akin sana ang tinadhana.

1 komento: