Sabado

di ko din alam kung pabula

*paalala: wala kang mapapala





chapter 1



may isang quadradong aquarium kung saan naninirahan
ang isang payat na butiki,

isang pink na homong iguana , at lalaking palaka na sobrang taba

ang aming kwadradong tirahan ay gawa sa kahoy na meroon mga maliliit na halaman ,pebbles at
may sexy calendar ng tanduay sa loob

ang nagsisilbing cover ay isang lumang kulambo.


lassinggero ang may lalang sa aming kubo


lima kami dapat pero namatay na sa gutom ang bestfriend kong si tuko
at nagibang bahay si unyango



"BUtiki lumabas ka nga muna para kumuha ng ating
makakain at nagugutom na kami ni prinsesang iguana "
sabi ng matabang palaka
habang hinihimas ang malaking bilbil na walang sinabi ang tiyan
ng mga buwayang lumunok ng pdaf


"at teyk nowt butiki gusto ko yung
dakota harizon plaza sa laki at weg meng leleweyen eh?"
pa wink wink pa ang iguanang okama


"!@#$%^& pano kaya yun, e bibig ang pinanghuhuli ko ? "



"anetch chenelyn churvang binubulong mo, hala , anda ! habang maaga mulach pa!"



lalabas nanaman ako at mang huhunting nang langaw sa mga kisame
ang unang kisameng dadaanan ko ay mismong tapat ng kama
ng lasing na may lalang ng aming tirahan
punong puno ang pader ng kwarto nito ng mga naka two piece na artista
kahit siguro di ka butiki e makakapit ka sa kisame sa sobrang lagkit


"YAKIS !"
nanginginig ako sa tindi ng amoy ng dadaanan ko
hindi ko naman kayang takpan ang ilong ko dahil
mahihirapan akong bumalanse at siguradong babalentong ako
at matetepoks sa matigas at punkistang buhok ni amo


natatanaw ko sya sa baba ko, tulog


ang amo namin ay katumbas ng tinatawag nilang presidente

pero ang amo namin ay tinipon nya lang kami sa kanyang nasasakupan
ngunit bingi naman sya sa mga huni, hiyaw , daing at
bulag sa mga pangangailangan namin
nag papakasaya sya sa kanyang kama pero di nya naiisip na meron pala syang
mga kasama, minsan tuwing nahihirapan akong maghanap ng makakain ay
naiisipan ko naring mag ibang bahay at
para makatakas narin kila palaka at iguana at sa iba pang mga problema
pero mahal ko ang aking bahay
di ko to iiwan, dito kami lumaki ni tuko ,
dito kami nangarap
dito sa lugar na uhaw sa pagbabago
dito na di lang dapat ang amo namin ang dapat magbago




teka kelangan ko palang maka kota


"pag waley sa kota betchiwariwariwaps pa ay tegi kawsung kay papa. p"

naalala ko yung pahabol sakin ni iguana kanina na
pusta pa . pag di daw ako kumota ay tigok daw ako kay palaka?

di ako sigurado sa pagkakaintindi ko sa sinabi nya pero alam
kong may kalalagyan talaga ko kay palaka




mas maraming langaw dun sa labahan kesa sa mga tirang pinag kainan ng aming amo

pero dun nalang ako sa pinagkainan ,
ayaw ko dun sa mga langaw na amoy zonrox pero di naman zonrox
ano nga kayang bleach ni amo sa underwear nya ,



*
mga dalawang oras na kong nang huhuli at mapupuno na din ang bibig ko
di ko nilulunok ang langaw dahil i seserve ko pa to kila iguana at palaka

pabalik na ko patungo sa aming tirahan ng biglang


*gulk
nalunok ko ang mga inipong langaw

may kakaibang lumilipad kasi na nabangga ako at pa ge wang-gewang
tinignan ko sya ,
di ko alam kung anong uri ng insekto ang babaeng to
pero may korona ,


shete! dahil sa kanya nalunok ko yung mga langaw nila palaka at iguana


yari ka sa kin


ikaw ang ihahain ko kila palaka at iguana



patay! mag gagabi na pala


nagmadali na akong pumunta kila iguana





pero sino kaya yung nasa bibig ko?
ano kayang insekto to?
bat sya may korona?
kausapin ko kaya sya muna bago ibigay kay palaka?








*tutuloy pag wala ulit ako magawa

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento