Martes

halina

                                                                   image:credits to original uploader



tuwing gabi tayo ay muling nagsasayaw

hindi napapagod sa sinkronisado nating pag galaw

swabe ang tyempo kaya di nag kakaapakan

magdamag nakalapat ang aking palad sa iyong bewang

kalkulado ang bawat pag indak at pag gewang


sinusulit ang init na hatid ng haplos ng iyong kamay sa aking batok

kasabay ng mabagal na lovesong ang puso at ang mapusok nitong tibok

kinakapos ako ng pag hinga sa tuwing ikay lumiliyad

bawat pag duyan kasabay ka,aking hirang akoy lumilipad

nakaka bighani ang mga pag ikot at magkasabay na hakbang

magkasama sa entabladong para sa iyo at sa akin lang

O aking sinta ,

lumiliwanag na.

giliw mag papaalam ka nanaman diba?

kelan kaya ulit kita makakasayaw dito ?

dito sa munti kong paraiso

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento