Huwebes

SUPERNOVA

                                                               image:credits to original uploader



                 supernova


nainlab ka na rin ba sa isang manining na  bituwin?
kung may mata ang bituwin pantay din kaya sila kung tumingin?
natupad ba yung mga hiniling mo sa kalangitan?
nasukat mo na  ba ang layo ng inyong pagitan?

nahuhulog kaya talaga ang mga tala.?
o sa ganda nila ay ginawa lang sila para magpaasa.
umaabot kaya ang boses mo sa kanila?
pwede namang mamangha bakit ka pa nag-tangka?
                            *********


                                 naglalakad ako habang nakatingin sa kalangitan..
                                 pinagmamasdan ko ang mga bituwin..
                                 pero di ko sila maintindihan..

____________________________________________________________________________
  *disclaimer: pawang fiksyon lamang po ang mga pangalan,lugar,pangyayari
                                                                

 

chapter 1  -



si richard cruz, 16 years old . matangkad, gwapo???


medyo may pagkatamad  <*take note: medyo lang>
palabas,libro, computer at musika ang hilig.
laging patay ang character nya sa dota.
4th year siya  sa SAGOT HIGHSCHOOL <shs>.




"bok ,dali dali, tignan mo yung magandang chicks dun sa tawid o."


turo sabay tusok sa  tukneneng ko
na yung original na sawsawan ay hinaluan pa namin ng sili,pipino at sauce ng tokwa.


si christian kapitbahay at kaibigan ko na sya mula pa nung lumipat kami ng bahay sa baranggay sagot.
sya ren ang pinaka masiba kong  classmate  slash bestfriend
at di uubra sa kanya yung classic  style na lalawayan o didilaan ang pagkain para di sya makahingi.
kumakain kami ngayon sa medyo class na tindahan ng tokwa sa palengke.
mahilig kami kumain dito kasi same lang presyo nila dun sa bangketa.
pero dito sobrang organisado,meron silang apat na wall fan na super lamig
at may tv na malaki with dvd player pa, na laging updated sa takilya.
libre pa ang pakikicharge ng cellphone sa kanila.
kumikintab din sa linis ang mantel ng lamesa
na nakaterno pa sa damit ng nagtitinda . medyo weird nga lang yung mga tindera.


"walastik bok, sharpshooter ka talaga ,yung pinaka malaki agad yung natira mo."




"ang ganda talaga ng chicks pre, ang lupet nga ng ngitian nya oh"
sumegway pa ang kumag


"asan bok ?"


ninguso nya lang ang pagturo habang ang bibig nya ay punung puno ng isang malaking kwek kwek
na galing sa mangkok ko,



niliyad ko ang ulo ko papunta sa direksyon na binigay nya
habang ang magkabila kong kamay ay nakashield sa pagkain.


ang ganda nga nung babae at ang hot nung way ng pag ngiti nya.



"bok,kakilala ko yan,maganda na talaga yan kahit nung dati pa "
di ko parin inaalis yung mata ko dun sa babae at yung dalawang kamay ko sa pagkain




"anak ng tokwa bro, basta maganda kakilala mo"




"seryoso bok, kabiruan ko pa yan dati sa luma kong skul"
binalik ko kay christian ang tingin ko at nahuling
pinipinahan parin nya ang pagtira ng mga pulang bola sa mangkok ko.



"pakilala mo ko a. sabihin mo may mala artistahin kang tropa"





"sira,... hoy , wag ka muna umalis ha . bantayan mo muna tong chinacharge ko"




"ha ?? anong sabi mo..? parang di ko yata marinig?"
napapailing na lang ako
habang tinatabig ko yung mangkok patungo kay mokong




"malinaw na ?"



"YessssssssssssSir!. maasahan mo ko"
nakasaludo pa ang loko



"osha bok bawasan ang tsansing a"




"
sira !"




si candy villamonte , 16 years old din. maganda, matalino
anak mayaman at pangarap ko na noon pa man.
nakilala ko ang  dalaga nung mag transfer sa dati kong eskwelahan
naka braces na si candy noon. kaso dati may pagka alaskador .
lagi nya kong inaasar dun sa klasmeyt naming isa.
pero nung tumagal naging magkabiruan na rin kami.



tumatawid na ko papunta sa kanya para batiin sya
pero habang ako ay papalapit ng papalapit
ay parang unti unti akong nasisilaw
dahil sa sobrang hot ni candy ay para na talaga syang kumikinang
yung mga patok na jeep sa kalsada ay parang sumasayaw
at parang tumahimik yung maingay na konduktor na kanina ay sumisigaw



"shete, gumanda sya lalo"
di ko namalayan na matagal na pala kong nakatayo sa gitna ng kalsada
hindi dahil mahirap tumawid kundi para talagang nag hang yung processor ng utak ko nun
siguro di kinaya yung sobrang high quality na kagandahan ni candy
at yung smile nyang high definition at overload sa hotness



siguro yung layo ko sa kanya mga terenta pang hakbang
nakita ko na syang sumakay pero yung kaluluwa ko di parin nahihimasmasan




"*&$#@ mo.mag papakamatay ka ba ! !! "
mainit na bulyaw ng driver na parang tubig na gumising sa mala-lasing na isipan ko.




chapter 2 :



*krrriirrriiringgg * krrriirrriiringgg !!!!




umaga na , hindi  ako nagising ng alarm
dahil di naman ako nakatulog



pusa! para syang energy drink magdamag akong dilat
di ako pinatulog ng ngiti nya




"richhhhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaaarddd !!!  gising na, anong oras na!"
sigaw ng ermats ko mula sa baba . at aabot kahit sa kapit bahay
kahit siguro hindi richard pangalan mo e babangon ka talaga .




"opoo maaaa 10 minutes"
may tulog man o wala, yan din lagi ang sagot ko,
tuwing umaga parang may digital na ten tons ang buong katawan ko
at gumagana lang yun pag sinusubukan kong bumangon
di naman ako ganun tamad ,siguro yung mga cells para sa  kasipagan ko
parang pentium four sa tagal mag start at mag loading




after 30+ minutes
makabangon na nga, baka ma late pa ko for the first time . LOL
kakain pa ko at maliligo





isa ko rin palang problema ay ang pagligo sa umaga
ang lamig kasi,
takot ako sa malamig na tubig sa umaga
katulad ng pagkatakot ko dati sa gabi ng lagim
nakakasindak kasi yung nakakapang-ngingisay nyang atake dahil sa sobrang ginaw
kaya nga ang tagal ko sa c.r kasi sa bawat pag buhos ni kalabang tabo e iniilagan ko






matagal din kami nag ilagan ng aking mortal na kalaban
at natapos na rin akong kumain ng agahan


"ma. pengeng one hundred twenty pesos"




"anak, halika nuod tayo ng tv o. sabi sa unang hirit okay daw ang panahon ngayon."




"ha ?"




"san ka ba galing iho at parang naambunan ata yung bunbunan mo"

"mahamog ba sa banyo?"
minsan palabiro rin ang nanay ko






"naynti ? "
baka kasi masyadong mahaba yung one hundred twenty pesos



"o sige eto pipti"
eksperto talaga sa negosasyon yung ermats ko
at madalas na aaply nya yun pati sa baon ko.



nagpaalam na ko at pumasok.



yung pipti na to sa bulsa ko ay pera ko na to sa buong araw.
okay na rin to dahil di na naman na ako namamasahe papunta sa school.
dahil malapit lang ang sagot highschool sa aming bahay.
sana wala nga lang mga tax sa room namin ngayon.



bumili muna ko ng hamburger na buy one take one at tortillos na itim  sa canteen
dahil himalang maaga ako ngayon at science laboratory kami pala today
at adviser ko ang first subject.
ok lang naman malate kami sa kanya o nasanay lang talaga sya.



"bok,kamusta yung dinigahan mo kahapon?"
bati agad sakin ni christian na nasa canteen din pala at nag aalmusal ng pepsi blue , pandesal at mga chichirya




"wala nga e"




"anong wala ?"
na patingin sya extra burger ko



"wala, as in wala"



"ha.? hina mo bok",
"sa kakisigan mong yan di mo nadeskartehan yun"?
sabay kurot sa patty ng extra burger ko




di ko alam tuloy kung compliment yun o uto




"bro dota tayo mamaya a ? "
sinafety ko na yung burger ko at may kalalagyan talaga to sa mokong na to





"wushu , hahanapin mo lang yung hot chick sa  net e ,
Sige may laban din pala tayo mamaya.. ok ka?
"





"haha, ako pa ba bok?, ok sa akin kahit sino wag lang sina diyaryo"
si diyaryo at yung mga tropa nya ay  adik talaga sa comp shop
wala pa silang talo , at pag matatalo mo na sila ay parang magic na
mamatay ang monitor at avr ng pc nila
at booom! automatic na tabla
tapos  ang susunod nyo na laro na ay live boxing o kaya ay wrestling na



"hehe. hindi sila diyaryo, may nagaaya na kabilang sec. itxt ko lang daw sila pag game na"



"tara"


"text ko na sila ha,?"
binunot na nya yung phone nya



"tangaks, tara na pasok na tayo"



"ay oo nga pala"


"haha, pambihira tong tao na to pati pag pasok nakakalimutan"




tapos na yung class hour like the other regular days pero
dahil nasaisip ko sya na parang vitamins
e para naring naging special ang araw ko kahit walang tulog



"hahaha. bok anong nakain mo at nakuha mo yung formula sa algebra kanina ? "
"kumaen rin naman ako ng burger mo a? "
alaska ni christian



"haha, kurot lang kasi nakaen mo kaya konti lang yung protinang nasisip ng utak mo. itxt mo na sila bok"




"haha. ingat."
kinocontact na nya yung makakalaro namin na taga kabilang section




"ingat ? ano ka si john lloyd?"


"haha, ingat baka masobrahan ka tapos lalo kang mabaliw"
minsan masarap din talagang batukan nang todo tong si christian e,



"sira. anong sabi nung kalaro naten"





"rak na daw dun sa lagi nating pinaglalaruan"





nasa comp shop na kame 
may aircon naman pero dahil yung may ari yung bantay sarado lahat ng aircon at sobrang init
_______________________________________________________________________________________________


nagsimula na yung laro mga 15 mins ago
nag alt plus tab ako para mag friendster dahil patay nanaman yung hero ko sa dota


mahanap nga si candy


*friendster search bar: "candy<space>villamonte"
tinatayp ko dito sa mainit na pwesto na katabi ng server
na nagpapatutog ng rapsong na puro mura at talagang ang sakit na sa tenga


nag altab muna ko , malamang nakabalik na yung hero ko mula sa dalawang taong kontrata kay kamatayan


after 10 mins balik ako kay tropang friendster



*friendster: "2 search found"



nag palit na din pala ng bantay ngayon sa server.
ang kaninang super init ngayon ay medyo umo ok na.
yung mga kanta gumanda at naging parokya pa


"sana single talaga siya"
nag friend request na ko kay candy at binalikan ang hero kong kamukha ng kalaban namen



"ano bok, may sinasabi ka "



"hindi bro, nagdadasal ako na magkagamit tayong dalawa at bumaliktad yung laro"



"ah. ganyan din yung dasal ko"



"bok, hanep yung kalaro natin, di na ata to pumapasok  e"
chinat ko sa kanya sa game kahit na katabi ko lang sya




"kamukha nya kasi yung hero mo kaya di mapatay ng hero ko e at akala ata kauri, hahahaha."



"haha. siguro nga"


narinig namin na parang nabadtrip





"hahaha. pare kumocomsat ata"



"haha. oo nga sumisilip ata sa monitor naten"



"hahaha. dapat malaki yung singil sa kanila , mala multi tasker bok e. "



tapos na yung laro




"nice game boss "
sabay inabot ko yung kamay ko para sa sportmanship kahit medyo badtrip



"nice game kuya"
iniabot na ni christian yung pusta




"nice game din po mga kuya,sa uulitin po a,salamat sa magandang laro"
sabay na sabay with breathing tekniks pa habang binibitawan ang kanilang litanya na naka troll face pa






"okay lang na natalo atleast nakita ko na sya ulit kahit man lang sa net"

pagpapalubag ko sa sarili ko






chapter 3


after 3 days
nanalo kami ngayon sa pustahan ni christian
pero  sya bayad pc lang



"uy bok nanalo tayo tas inaccept ka pa ni hot girl o, pa kwek kwek kanaman jan"
nakikiusyoso pala ang unggoy at may balak pa mag palibre




"boploks, kakilala ko nga kasi sya at tsaka cute ako"


"yabang neto"



"haha. humble pa nga e, pag iba yung nag dedescribe sakin gwapo pa yung binabanggit"


"asa , papayag lang ako na gwapo ka kapag nilibre mo ko "



"no thanks , ok na ko sa cute"



"kapal"
mala abogadong sambit ng batang babae na ngayon ko lang nakita  sabay tago sa
kasama nyang ate na pagpapaprint, sa tantiya ko ay
apat na taon lang ang babae




"wahahahahah, magandang babae , anong sabi mo.. ?"
gusto pa yatang  paulit ulit na naririnig ni christian yung tinuran ng bata



"hahaha, bok di nag sisinungaling ang bata"




"haha. medyo sala salabat pa ang bokabularyo ng mga bata...
medyo nalilito pa sila sa totoong definisyon ng mga binibitawan nilang mga salita" 





"haha. ang tatas nga ng pagkakabanggit e..
na parang siguradong sigurado sya sa kanyang pinaparatang,
kung ako ang husgado base sa salita nya guilty ka. hahahaha

pauubo ubo pa sa kakatawa at hinahampas pa ng kanyang mga kamay ang patungan ng keyboard


"shut up"

_________________________________________________________




ilan minuto pa kong nag  susurf sa internet
nagba buff ng episode ng one piece at naruto
at nag la-like ng comment at picture ng classmate kong babae
kapalit ng hiniram kong ballpen kanina sa klase


si christian naman ay busy sa kanyang pinapanuod
kahit ako ay hindi ko makita ang pinapanuod nya
inakbayan pa nya ang magkabilang side para walang makausyoso
kahit wala naman masyadong tao.




pag balik ko sa friendster, online na si candy


" hi. candy kamusta.? :)) "
pinipigilan kong di magsabi ng kung ano ano
baka mapagkamalan pa kong weirdo




"richard mas gumwapo at mas kumisig ka a! :))
di yan yung sinabi nya





medyo matagal ng konti yung reply nya




"okay lang,. ikaw ba?"




nagtatype pa lang ako ng isasagot ko
ng makita ko pa yung isa  nyang message



"sige richard pa out na ko"


nirevise ko na agad yung mahabang isasagot ko dapat sa tanong nya kanina
at pinalitan ng






"ok po. candy pwede ko bang mahingi yung number mo ?"

bumalik na sa una yung mga picture nyang tinitignan ko





"baka may importante lang syang ginagawa."
 pangungumbinsi ko sa sarili.



"o kaya hindi nya nabasa"
di nakuntento at inuto uli ang sarili.



"ok po. candy pwede ko bang mahingi yung number mo ?"

di na ko nakatiis at inulit ko ulit yung sinabi ko
pwede naman i copy paste nalang pero tinayp ko na lang den


"0928*******"
offline



"thanks candy, ingat"




"tara bok , bili tayong tinapay at chichirya dun sa bakery?"




"libre mo ko?"



"ako pa ba bok..? syempre. bilis"



"yun nga e. ikaw manlilibre. ,?"
tumayo sya papunta sa pinto




"ayaw mo..?"


"to na nga e . nauuna na ko sayo  o, ang tagal mo nga e
tara dali, baka maepektohan ka pa ng climate change
pabago-bago pa naman takbo ng utak mo
"



"haha. baliwag ano bang gusto mong tinapay?"




"bro kahit ano basta totoo.."



"te meron ba kayong bubog ang palaman para dito sa katabi ko"



chapter 4


pag uwi ko ay agad akong nagpaload at nagregister sa bagong pakulo ng network
unlicall and text na daw sa halagang bentesingko pesos




ang ganda talaga ng boses ng operator na nagsasalita sa linya
pangapat na ulit ko na syang naririnig nasinasabi ang
"the number you are calling  is out of reach..
please try again later"



baka mali lang yung number nya sa phone ko,..
pero hindi e.
sigurado kong sampung beses ko pang tsinek yung number nyabago isave .
na kabisado ko pa nga


iniisip kong magusap nalang kaya kami ng operator  para sulit naman yung load ko


"@#!$%^& ANG NUMBER NGA NA IYONG TINATAWAGAN AY DI NGA MAAROK,
PAKIUSAP  MAMAYA KA NA TUMAWAG!!!"

pero baka ganto na yung biglang sabihin sakin ni operator
kaya tinigil ko na.


nagbasa na lang ako ng magazine na pinahiram sa kin ng tito ko
dahil sa bagal kong magbasa kaya akong aliwin ng isang magazine magdamag




kinabukasan papauwi na galing sa skul ay nakita ko si sir goku
na nakaakbay sa batang batang chicks
kakamustahin ko sana kaso  pumara  na agad sya ng taxi



si goku pala yung teacher namin nung prep
mga 50 pataas na sya ngayon
marami syang kwintas at singsing sa katawan
naka large t-shirt palagi at large jogging pants
idol nya siguro si john cena
meron syang kakaibang trip  nung prep
araw-araw gusto nyang nag hahanap ng
debate sa mga bata 


yung isa sa naalala ko sa mga tanong nya



"mga bata, mga bata sino sa inyo ang nangagarap
na mahawakan ang maganda at kumikinang na star, itaas ang kamay?
"
pa baby-talk na tanong ng aming mahusay na guro




lahat kami nagtaasan ng kamay
"ako gusto ko "
umecho ang mga hilaw na boses na interesado sa tanong ng guro


"ok mga bata pakinggan nyo nang mabuti ang sasabihin ko a"


"opo"
sabay sabaw naming pagsangayon


"alam nyo ba mga bata na ang star ay
super layo, 90+ milyong milya ang layo nito sa earth
at ang init nito ay umaabot 100 milyon degree fahrenheit
yung number na yun ay nagsasabi na di ka pa nakakalapit
ay magiging abo ka na at kung aabangan mo naman syang
bumagsak sa lupa e baka sa sobrang taas pag bagsak nya e durog na
bato na lang ang makikita mo, di na ren sya kumikinang katulad ng nakikita nyo"


__________________________________________________________________________________

pag uwi ko sa bahay ay sinubukan ko ulit tawagan si candy





"hello sino to ?"
na istun ako ng mga 3 segundo
mas maganda yung boses nya kesa sa operator
mala marilyn monroe


tinakpan ko muna yung mouth piece at nag vocalize ng boses
na parang sasabak  sa finals ng singing pag mayo


"HELLO SINO TO!!!?... "
paktay nagalit na ata pero ang ganda pa rin ng boses nya



"hi candy,  si richard to kamusta?"


"ah ikaw pala yan bat ang tagal mong magsalita?"
swabeng swabe talaga  yung boses nya


"sorry medyo maingay kasi e"
aw! kamote, mali ata yung dahilan ko

"ah . ganun ba. ?sige text text nalang tayo"


"tt--ttekka ok lang..
pinutol na pala nya yung linya
ang bilis naman nya kausap
ang sarap panaman pakinggan nung boses nya




chapter 5


ok lang naman yung flow ng palitan ng text namin
medyo marami lang ata kong ka kompetensya
medyo delay kasi yung mga reply nya



"ahm. pwede po b magtanong. ?"



"sige ano yun "?



"may boyfriend kana ba 
kasi kanina pa tayo
nag tetext text baka magselos na sya
?"




*tu-tut tu-tut.
naks ang bilis ngayon a,
aw. smart lang pala
na nag papaalala na maeexpire na yung unli-call and text
excited pa naman ako, buset!





time check 20mins and counting

shit! baka meron na syang bf
di na siya nag reply ng tuluyan




*tu-tut tu-tut.





"wala"



parang nalinis agad yung makasalanan kong kaluluwa sa nabasa ko
halos lahat ng naalala kong pangalan sa bibliya pinasalamatan ko
pati narin si santa kahit tapos na yung pasko



"mabuti naman"





"mabuti naman.. ?"




"sorry typo. :)) mabuti nalang po dapat yun,
ahmm. mabuti nalang kasi walang magagalit
"






"ahhHH-hh,"


araw araw  kaya kong maghihintay dito
parang di mabubuo ang jigsaw puzzles
parang kulang  ang color ng rainbow at guguho ang mga castles
parang magulo ang mundo kapag di sya ang katxt ko
ang txt nya ang kumukumpleto sa araw ko




dumaan pa ang mga araw
ay sinagot na rin ng kalangitan ang hiling ko
pinagkaloob na nya sakin ang pinaka hahangad ko
ang Oo ng nag-iisang babae na pinapangarap ko



chapter 6


"iloveyou sweet heart.."




"iloveyou too sweetheart"




"iloveyou more"





"hindi mas labkita"





"hindi kaya mas lab na lab na lab kita"

eto ang pinakagusto kong pagtatalo
yung pag laban nya sa iloveyou ko


inaabot pa kami ng madaling araw sa pag uusap
pero kailanman di talaga ko magsasawa
at alam ko na ganun din sya



marami kaming napag uusapan
yung mga nakaraan at yung mga haharapin palang
yung paborito nyang kulay
yung gusto nyang color ng bahay
kung ilan ang anak pag sya ang magiging nanay


kinakantahan ko sya kahit wala sa tono
at gustong gusto ko pag kinakantahan nya din ako
alam kong isa din to sa hahanap hanapin ko



binibigyan ko sya ng mga pick up lines at mga tula
nagugustuhan naman daw nya kahit korny


"ok nga yung korny e , atleast totoo at galing sa puso"
txt pa nya sakin kanina



handa kong magpakakorny habang buhay kung gusto nya
iniipon ko nga yung mga message nya e
hindi ko talaga binubura
para may mababasa ko sa mga oras na di ako masaya



"sweetheart tinulugan mo nanaman ako kagabi ah.
di ka man lang nag goodnight hmp,!"


minsan nakakatulugan ko na sya ang katxt
di ako nakakapag goodnight kasi nilalabanan ko ang antok
parang ayaw ko pa lagi na matulog o putulin yung pagtetext namin para mag-goodnight
kahit si shakespear e di kayang i describe sa metapora kung gaano ko kasaya dahil sa kanya





sobrang mahal namin ang isat'isa
pero sa kamalas malasan e diko pa sya muling nahahawakan
o nasisilayan man lamang
totoong wala na kong hahanapin pa
maliban nalang ang muling makita at mahaplos sya



kahit sa kamay lang
yun ang parati kong inaasam
at binubulong sa may lalang





chapter 7

sobrang kulay na ng buhay ko 
na di kayang ibigay ng kahit anong gulay sa buhay kubo
alam ko nang sya na talaga
ang tala na nilaan sakin ng tadhana


ngunit mabilis ang pagdapo ng mga ulap sa aming kalangitan
ang dating maaliwalas ngayon may nag babadya na mabagsik na ulan

bigla na lang...




"richard sa amerika na ko magaaral at titira"




"tang ina naman oh, paano na ko, yung tayo. ?
mahal na mahal naman kita a, tang ina di pwede!"

di yan ang nasend ko




"kelan ?"
kung babasahin mo parang presko lang




"di ako sigurado e ., pero sabi ni tita malapit na"
nababasa na yung screen ng cellphone sa mga nababasa ko





alam ko kung anong nararamdaman nya
alam ko ring ayaw nya ang mga nagaganap
pero wala kaming magagawa

tumawag nalang ako sa kanya
para sana kahit papaano e madamayan ko sya
sobrang nilapit ko ang ear piece ng cellphone ko sa tenga ko
halos mapipi na sa pagdiin sa tenga ko


"sorry chard"



"hindi, ok lang .tama na"
ayaw ko na lang pagusapan
baka lalo lang kaming masugatan



"sorry talaga.."
halos mapunit na ang puso ko
pero alam kong wala pa to sa nararamdaman nya







nagiisip ako ng paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman nya
pero mas iniisip ko syempre kung papaano parehas gagaan ang aming pakiramdam
sa araw ng kanyang pag-alis. yung walang iyakan,
walang kakaway habang parehas naman kaming umaaray.
nakakahiya naman siguro sa tatay nya na di ko kayang bitawan ang kamay ng
anak nya pag pasakay na sila sa eroplano
at susubukan ko pang pigilan ang kanyang mga hakbang
at mag mamakaawa at luluhod pa habang yung buo nyang pamilya ay nag aabang



parang buong magdamag naging timbangan ang ulo ko
may mga "ganto na lang kaya" na pumupunit din sa puso ko
bahala na, ayaw ko syang mawala
pero kailangan na nyang kumawala sa payak at payat na mundo ko




"candy villamonte break na tayo"
di ko kayang isend , kasi alam kong wala nang pagasa na
mayakap man lang sya
makita man lang sya bago sya umalis
na mahawakan ko man lang yung kamay nya
pag sinend ko ang message na to


pero sinend ko kasi diserb nyang umalis na wala ng mabigat na iiwan,
di na nya kailangang gumawa ng mga idadahilan
at wala na syang kailangan pang pangakuan





chapter 8

wala na kaming komunikasyon
ok na, nakalimutan na nya ata ako
di ko na rin alam ang gusto ko



maraming tumulong para kalimutan sya
nagsawa na ata sila o ako
masagwa pa ko sa pulitiko
umiinom ako ng iba
para mawala yung natitirang lasa nya
di ako sigurado sa mga pinipili ko



di ko pa alam kung kelan ang alis nya
at di ko ren alam kung nakaalis na sya


isang araw sa pag bukas ko ng facebook may nag message na pala,
si candy . agad agad kong binuksan



"kamusta chard ? "
offline


sa  litrato nya nabighani ulit ako
tama nga ata sila , na yung utak kayang subukan na makalimot
pero ang puso iba. hindi mo sya kayang diktahan
ang puso di mag mamaangmaangan yan
ang puso di mag bubulagbulagan yan
alam ng puso ang gusto nya
sigurado ang puso sa nararamdaman nya
di ko mapayuhan ang  puso ko na wag tumibok ulit sa kanya



nasa ibang lugar na nga si candy villamonte
maganda parin sya kahit walang kolorete.
medyo naging chubby sya, siguro dahil masarap yung mga pagkain sa tate
pero yung ngitian nya ganun pa din , parang walang pinag bago
para parin syang kumikinang sa sobra nyang hot
kada tingin ko sa monitor para kong minamalat,nakakagat ko yung ibaba
ng labi ko tuwing nililipat at pinagmamasdan yung mga picture nya


bumalik ako sa message bar
nakita ko pa ang ibang mga message nya
mukhang mahal pa nya ko
namimiss na daw nya ko


baka pwede nga
baka pwede mapilit yung lovestory naming dalawa
tutal nagmamahalan naman kami diba?
sabi nga ni chito miranda , "paano ka tatama kung di ka tataya"
sa longdistance may fairy tale din kaya?
a basta .
ang mahalaga mahal ko sya





"eto namimiss din kita candy."





chapter 9

nagkakachat na ulit kami ni candy
nalaman ko nga sa kanya na mahal parin nya ko


parang di na basag ngayon yung mga love song na naririnig ko sa radyo
sinubukan ko na namang pumikit at managinip
napagpasyahan naming subukan ulit
kinalimutan namin ang katotohanan sa likod  ng aming distansya
sa skype lagi kaming nagkikita
maganda na sya sa litrato pero mas maganda  sya sa live cam.
syempre mas maganda pa sya personal



sweet parin  kami katulad  ng dati


"uuwi ako ng pinas"





"kelan ,? ilang araw kitang mamakasama? exited na ko candy"






"kaso saglit lang ako sa manila kase pupunta  kami sa province"


nagmakaawa ako na makita man lang sya
ok lang naman sakin yung isang beses sa isang taon o isang beses kada dalawang taon
o mas matagal pa .
umaasa ko na mapagbibigyan nya ko kasi kami naman e.


"sige , see you in manila :))
"


yess,!! pinagbigyan nya ko
teka . wala pala kong pangdate sa mga katulad nyang highclass
paano kaya ko magpapakitang gilas
waaaa..


buti nalang may hiring dun sa resto
sakto may pang date na ko
meron pang mga bakla dun sa kanto
tsaka mga matrona dun sa mall na saint.allow



nag simula na kong magtrabaho
nakakatext ko parin sya
kaso medyo nag loloko yung phone ko
pero ok na lahat

all set na . ^____________^ :))





chapter 10

umuwi na nga si candy villamonte sa province nila
onting onti nalang makikita ko na ulit sya
pag binuwenas buwenas pa ay makukuha ko pa ang pasalubong kong halik sa kanya


sobrang excited na ko sa mga susunod na mangyayari



mapapaabot ko narin kaya sa kanya ang excited na boses ko
na gustong iparinig yung ilove you sa tenga nya?
makikita ko na kaya ulit sa malapitan yung kumikinang nyang ngitian?
mahahawakan ko na kaya siya sa wakas?
!@#$%^! di ko na mahintay yung bukas




habang nasa kalsada  ko pauwi galing sa trabaho




takte! gabi nanaman ako




*tu-tut tu-tut



bat diko makita kung sino yung sender?
nagloloko talaga tong cellphone ko
buset!




di bale mabuksan na nga  lang









"naaksidente si candy sa sinasakyan nyang kotse,
sorry pero di na kayo magkikita"





parehas nanaman ang bituwin sa kalangitan
may pumapatak na tubig sa lupa





"may bituwin naman pero bakit kaya umuulan. ?"
bulong ng isipan ni richard
di nya inaamin na tumutulo yung luha nya sa lupa
di sya nagsasalita nakawak lang sya sa puso nya




"gusto ko lang naman syang makita a."

mahinang sumbat nya



umupo si richard sa kalsada hindi dahil sa pagod sya sa trabaho
kundi dahil nanginginig ang tuhod nya at di nya mapigilan ang mga
pag patak ng tubig sa kanyang mga mata



pag upo nya ay may nakapa syang basag na bote na agad sumugat sa kamay nya
dinakma nya ang basag na bote at nakita ang naka dikit pang label
star ang logo ng basag na bote ng alak



"hulog ng langit?"
napabuntong hininga na lang sya,
at napailing sabay ngumiti ng maliit ang kanyang labi papunta sa gilid pero di parin tumitigil
ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata



"pag tinusok ko kaya ito sa puso ko?
may pag asa na kayang magkita kami.?"

***ang bituwin daw pag nararamdaman na nyang malapit na syang sumabog
      e sign daw yun na nag tratransform  daw sya bilang mas  maganda at mas matingkad na bituwin***




kaso hindi bituwin si richard pero yung pagsabog e para talagang nararamdaman ng binata.
habang onti onti nyang binabaon ang basag na bote sa kanyang dibdib
ay parang nawawala yung mas masakit na nararamdaman nya kanina
habang unti unti syang nilalamig ay
binabalot naman ng mainit na pulang likido  ang buo nyang katawan


"wow! dugo ko ba lahat to.? para kong nasa baguio at nag ho hot shower"

nakapikit lang sya at pinatong nya ang kanyang braso sa kanyang mga mata



at habang tumatagal ay unti unting lumilinaw ang mukha ng isang magandang babae..



"si candy na kaya to"?





"hay salamat , mukang sasalubungin na nya ko"







"mahahawakan ko na sya sa wakas!"









"di ako si candy ! ! "






luminaw ang mukha ng babae at di nga sya ang babaeng pangarap ko




"ako si asteria , diwata ako ng gabi"






"ha,? nanaginip ba akk-"






"di ka pwedeng mag tanong ! ,
ako lang ang pwede mag tanong sayo dito "

walastiks na chicks to a, ang ganda at ang seksi
at ang laki ng kanyang hinaharap
pero nakakatakot din pala ang mga diwata


asan kaya si san pedro?
secretary nya kaya to
swerte naman ni san pedro



teka , baka may long test din dito
di pa naman ako nakapag review
baka bumagsak ako
wala pa naman akong seatmate
a basta, bahala na














"nainlab ka na ba sa isang manining bituwin ?"


"opo ang sarap nilang tignan kasi parang kumikinang sila sa sobra nilang hot
nakakapangakit sila na parang ang lapit lapit lang po nila na akala mo kaya mo silang hawakan ng matagal"


"nasukat mo na ba yung layo ng inyong pagitan"



"alam ko na po ngayon na kahit gustong gusto ko, malabo talaga na sya'y aking mahawakan,
may mga bagay po talaga tayong gusto pero di natin abot"


"magkaiba ang gusto sa kaya nating gawin"


"nahuhulog ba talaga ang mga tala ?"


"di po ako sigurado , pero AKO kahit di  ko pa sya nahahawakan

ay paulit ulit parin po kong nahuhulog sa kanya"



"pagbibigyan kita"
hinayaan ko lang syang ipagpatuloy yung mga sasabihin nya


"tutuparin ko ang isa sa kahilingan mo, pumili ka sa dalawa
pero ano ba talagang gusto mo ??
magkasama kayo ngayon dito ng pangarap mo? o matupad pa nya ang mga pangarap nya"?


pumitik ang kanyang mga daliri
sa  unti nyang galaw ay
umalog ang kanyang malaking
este ang aking mundo


nagising ako , di ko namalayang nakaiglip pala ko
nakaupo ako at nakasandal sa kalsada
yung bote namay label na star ay di na basag

binasa ko ulit yung message ng unknown sender

napalitan ng number ni candy



"di tayo tuloy naaksidente ako , pero wag kang magalala ok lang ako"

"konting pilay lang to"



bumalik na ng america si candy villamonte
di ko manlang nahawakan kahit yung maganda nyang buhok

                                              habang naglalakad  tumingin ulit ako sa kalangitan
                                              pinagmamasdan ko ang mga bituwin..
                                              medyo nauunawaan ko na sila
                                              masaya silang kasama ang kapwa nila
                                              tanggap ko na .  pwede kang  mainlab sa mga tala
                                              pero meron talagang mas karapatdapat para sa kanila.
                                              hahayaan ko na sila sa kalangitan
                                              dahil siguro nga tama si sir goku
                                               na pag ang tala ay bumagsak sa lupa
                                               kailan man di mo na to makikitang kikinang

1 komento: