credits to orig uploader
pakyu't! na pusang gala.
kelan nga kaya 'makaka-wala?
sa hapdi ng nawawalang kanlungan
at ng pagmamahalang nalimutan.
dati sa kanyang kandungan
ang ulo'y payapang nakadagan
pakiramdam ay lumulutang
lalo na't pag-nasasambit ang pangalan
wala ng makadadaig. sa nadaramang sabik.
pag- sya na'y nakakatitig. at magbibirong hahalik.
sa bawat haplos ay kinikilig
ang makasama kay nag-iisang hilig
sa kanyang ganda at malamyos na boses
laang iaalay ang buhay ng siyam na beses
sa ibay' hindi-hinding mag lalande
gabi't araw sasalubungin sa pag-uwe
pusang gala! walang pusong tadhana.
aalis na sya.
nanonood lang at walang magawa.
presko pa .
ang ala-ala .
ng kanyang palayong likod
ang masasayang kulay
sa mga mata'y
unti-unti noong bumubukod.
papalayo ng papapalayo sa bawat pag hakbang nya-
pakiramdam ang buhay ay nalalagasan pa.
pusang gala! inutil! mahina! kaawa-awa !
huling buhay nya nalang. nilalaan pa
sa pag-asang babalik sya.
#fuschia
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento