image credits to orig uploader
agosto
ikay aking pinagmamasdan
nakatingin ka sa mga suwan
habang tayo'y namamangka
masalamangka nga yata ang lawa.
pero hindi-
nasa labi mo yata.
kahit kasi-
hindi ka pa nagsasalita.
gusto ko ng bumawi-
at sabihing mas mahal kita.
yung pag-alon bahagya
ng iyong mga labi
pag nag-pokus ka sayong ginagawa
yung pag-nguso bahagya
ng iyong mga labi
nang di pinansin ng gansa
ang pagkain na iyong initsa
yung pag-kagat mo bahagya
sa yong labi
nung desidido kang may lalapit satin kahit isa
napalibutan na nila tayo
eto na ang aking paborito
sa mahika .
di naman din talaga ako naniniwala.
pero di ko alam kung saan ako dinadala
ng emosyon ko parati. dahil sayong ngiti.
kaya't sa buhay, di ako mapaagod mag-sagwan
sa malakas ang agos o sa mabato pa yan
basta ikaw ang kasama sa pupuntuhan
alam kong romantiko at masaya ang kalalabasan
#agos- to #august #flow #love. :)
Lunes
batman
di lang pala si kamatayan ang may kalawit
palagian mo nalang kasing sinusungkit
ang puso ko
ang isip ko
ang imahinasyon ko
ang buhay kong patay-na patay sayo
ano mang oras , sasama ako .
kahit saan,
kahit bangin pa yan
ganun din naman
kahit mag-ingat.
kahit umiwas.
tuwing malilingat.
parati na lang sayo'y nahuhulog-
ang diwa ng aking kuwento
sa liriko nga't tula
na parang kahapon ko pa ginawa
ikaw nanaman ang bida
kahit 'di pa nag-sisimula
kaya kahit anong lumabas na salita
sa kamay ko na ikaw lagi ang pinipinta
puso ko na kusang minamahal ka
ipapahayag ko sa makikitang papel
karamay ang walang pamburang pinsel
hindi matatakot 'ilimbag
kahit umani ng puna at 'bansag
para kahit papaano sayo'y mapadama
na kahit sa letra
wala kong pakialam sa iba't
walang takot kitang 'nililiyag
#bahala na. #deja vu
makalawa
image credits to orig uploader
makalawa
bakit parang ganon?
ang mga mata mo laging may binubulong
orasyon ata. nasa puso ko'y kumukulong
bakit ka ganyan?
pati ang ngiti mo. iyong tinimplahan.
gayuma lang ba yan? handa kong tikman.
bakit kaya?
pag-hinahawakan mo ang iyong buhok
mahika ba yan? na saki'y nagpaparupok
ano nga kaya ang hiwaga?
pag kumukumpas ang yong mga naglalarong paa
sa sandalyas na lila
pagmamasdan na lamang ba kita?
mamangha na lang sayong ganda?
mag-hihintay ng isang himala ?.
bukas .
hindi na ko aatras.
susubukan ko na talaga.
liligawan na kita
sana lang may bukas nga...
pusang gala!
credits to orig uploader
pakyu't! na pusang gala.
kelan nga kaya 'makaka-wala?
sa hapdi ng nawawalang kanlungan
at ng pagmamahalang nalimutan.
dati sa kanyang kandungan
ang ulo'y payapang nakadagan
pakiramdam ay lumulutang
lalo na't pag-nasasambit ang pangalan
wala ng makadadaig. sa nadaramang sabik.
pag- sya na'y nakakatitig. at magbibirong hahalik.
sa bawat haplos ay kinikilig
ang makasama kay nag-iisang hilig
sa kanyang ganda at malamyos na boses
laang iaalay ang buhay ng siyam na beses
sa ibay' hindi-hinding mag lalande
gabi't araw sasalubungin sa pag-uwe
pusang gala! walang pusong tadhana.
aalis na sya.
nanonood lang at walang magawa.
presko pa .
ang ala-ala .
ng kanyang palayong likod
ang masasayang kulay
sa mga mata'y
unti-unti noong bumubukod.
papalayo ng papapalayo sa bawat pag hakbang nya-
pakiramdam ang buhay ay nalalagasan pa.
pusang gala! inutil! mahina! kaawa-awa !
huling buhay nya nalang. nilalaan pa
sa pag-asang babalik sya.
#fuschia
pakyu't! na pusang gala.
kelan nga kaya 'makaka-wala?
sa hapdi ng nawawalang kanlungan
at ng pagmamahalang nalimutan.
dati sa kanyang kandungan
ang ulo'y payapang nakadagan
pakiramdam ay lumulutang
lalo na't pag-nasasambit ang pangalan
wala ng makadadaig. sa nadaramang sabik.
pag- sya na'y nakakatitig. at magbibirong hahalik.
sa bawat haplos ay kinikilig
ang makasama kay nag-iisang hilig
sa kanyang ganda at malamyos na boses
laang iaalay ang buhay ng siyam na beses
sa ibay' hindi-hinding mag lalande
gabi't araw sasalubungin sa pag-uwe
pusang gala! walang pusong tadhana.
aalis na sya.
nanonood lang at walang magawa.
presko pa .
ang ala-ala .
ng kanyang palayong likod
ang masasayang kulay
sa mga mata'y
unti-unti noong bumubukod.
papalayo ng papapalayo sa bawat pag hakbang nya-
pakiramdam ang buhay ay nalalagasan pa.
pusang gala! inutil! mahina! kaawa-awa !
huling buhay nya nalang. nilalaan pa
sa pag-asang babalik sya.
#fuschia
Martes
candlelight - 1
image credits to orig uploader
tyansa ko na ba ?.
halika.
*bum-hum bum*bum bum-bubum *bum,
inayos ko na ang aming bubong.
sige na.
*bum-hum bum*bum bum-bubum,
sayawin naman natin yung klasi'kong lovesong.
pasensya na,
kung ako sa'yo ay mukhang lulong.
mahal kita.
nasigaw ko yata yan kesa ibulong-
oo at.
mas maganda ka pa. sa 'rosas na nasa'yong kamay.
sulit nga. yung mga 'oras ng aking paghihintay.
sa pag ibig ko. ikaw lang ang nag-iisang kulay.
ang kasiyahang nadarama pag kasama ka'y-
wala na nga yatang maka-papantay.
kung iyong pahihintulutan'ay
huwag na tayong magpaligoy ligoy.at iwanan na ang 'lumbay
sayawin na natin ang naka'tadhana sating 'tunay.
yung ikaw sa bisig ng 'yong numero unong panatiko
sa saliw ng mga panatag na 'musikero
sa lamlam ng mga kandilang 'mamiso
sa lilim ng banayad na imahe-
ng lumulubog na araw. na sa ati'y nag sasabe.
ikaw at ako lang sa araw na to.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)