Lunes

firefly

akoy natatakot,
mauubos ba ang iyong liwanag.
dito sa aking bangungot.
Ikaw ba ang naririnig kong tumatawag.
Malakas ang iyong bulong.
Kaso parang imahinasyon ko lang yun?

Ikaw kaya'y para sakin.
sakim ba ko ? kung di kita patatakasin.
alam kong dapat ikay pinapalaya.
ngunit hindi ko pa kasi kaya.
pagpasensyahan mo na aking mahigpit na palad.
at aking mga pansariling hangad.

luluwagan ko nalang.
at kung ikay sasama sa kapwa mo makinang.
pipikit nalang ako.
Hahayaan ka sayong gusto.
Ngunit ang ikay makapiling-
mananataling pangarap ko pa rin.

#alitaptap

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento