hinagis yung kamiseta sa dilim.
umupo. huminga ng malalim.
yumuko. humiga para sana antukin.
bakit hanggang ngayon?
di ka parin mapasakin.

katulad ng iyong nakikita.
masyadong mataas ang aking pagnanasa.
na baka sayong kindat. ako ay matumba.
kamay na maragsa.
ikukulong ko na lamang sa bulsa.
kanina pa kasi hinahalina
ng kutis mong mala porselana.

bituwin ka at ako ang astronomiya
ikaw ay maganda.
at magaling magsalita.
ako ay iyong tagahanga.
nababawasan na ang tulog.
pinag aaralan kung paano ka ba mahuhulog.