Lunes

lipad

                                                      <image credits to orig uploader>
                       
                                                                               lipad

ating pasisiklaban ang buong maghapon.
kagat ang labing nanabik sa pagkakataon.
ibat-ibang taktika't estilo ang aking baon.
nanamnamin natin ang mahabang patimpalak.
gagawa tayo ng malalakas na palakpak.

gagabayan kita kung saan tayo tutungo.
uugong ang lahat sa bawat tagpo.
rurok ng tagumpay na siguradong mapapasatin.
yun ay dahil sa ikaw ay maganda at akoy magaling.
okasyon na parati-rati mong maaalala.
ngayon sa langit ay ihahatid kita.

Linggo

tuwing kelan kita mahal.?

                                                               image:credits to original uploader


tuwing kelan kita mahal ?


P-akinggan mo ang harana ng hangin.
a-witin nyang para sayo . ay mula sa akin.
l- umingon ka sa mga dahon na sumasayaw
a-ng nasa isip koy ikaw. sa tuwing sila ay         gumagalaw
g- aya ng pagdidikit ng iyong mga labi.
i-tong puso ko na palagian mo nalang        nasasagi

l-agay mo ang palad mo sa iyong puso
a-ng tuluyang pagtibok nito ay katulad ng      pagmamahal ko sayo
n-a kahit hindi tayo nagkikita
g-arantisadong pagaari mo pa rin ako sinta