beware
Kung maari sana'y -
Wag mo ng ipusod ang iyong buhok.
Ang aking kahinaa'y -
Mga dilag na may makikinis at mapuputing batok.
Ayaw kong pinapakita sa biktima na akoy atat.
Ngunit pinahihirapan ng iyong nakalantad na balikat.
Mataas agad ang sensyasyon ng mga sandali.
Ngunit masyado pang mura ang ating gabi.
Iaabot ko muna sayo ang ating pampakalma.
Pinapalabas ng alak ang bahagyang pula
Sa mala diyosa mong mukha.
Kinikilig ako sa aking mga nakikita.
Sa iyong maikling palda at nakakrus na mga hita.
Sa paraan mo ng pagsubo gamit ang tinidor.
Nawawalan ng bisa ang mga bintilador.
Kanina pa nang gigigil sa pagmamasid.
Sa dagat ng kapilyuhan ang isip -
Ay di na makaahon sa pag kakasisid.
Dinilaan ko ang aking labi.
Nalasahan ko ang iyong puri.
Gustong gusto mo ang aking luto.
At pati ang mga tugtuging romantiko
Ilang beses mo na ring napansin
ang aking matatalim na ngipin.
Ngunit bakit lumalapit ka parin sakin?
Siguro meron ka ding madilim na pantasya.
Kaso binabalaan na kita
Sa oras na tayoy mag simula.
Hindi ako kasing lumanay ng sa pelikula.
#vampire #magingat
Lunes
Martes
incinerate
incinerate
Ikaw ang apoy at ako ang paru-paro.
Kahit alam kong akoy mapapaso.
Makikipag laro pa din sayo.
Ito ang pag ibig na taliwas.
ngunit nahihirapan na ang makaiwas.
Mas maganda ka pa kasi sa mga pulang bulaklak.
At batid mo kung paano tutuksuhin at isasabak-
Ang katulad kong uhaw na uhaw.
Kanina pa inaakit ng iyong pagsasayaw.
Sa tuwing lalapit ay pinag papawisan.
Bawat detalye mo ay aking pinang gigi gilan
Sige lang wag mong tigilan.
Ang nagliliyab mong katawan-
Kailan ko kaya matitikman.?
Kahit ang kapalit ay tuluyang pag kawala.
Pwede ko bang sipsipin ang iyong kaluluwa?
rooftop
rooftop
Nang makita kita sa may bubungan.
Ano bang ginagawa mo dyan-
Namimingwit gamit ang iyong kagandahan?
Naloko na. Ako yata'y napuruhan.
Wasto ba na sayong pain ay makipag habulan?
Ako pa nga ang humabol sayong kawit.
Gagawin ko ang lahat para man lang makasabit.
Teka. Kakampi mo ba ang buwan?
Lalo ka kasing nakakaakit pag kanyang nasisinagan.
At kung may butas sa dib-dib? -wala naman
Ang mga gayuma mo. Saan mo ba kasi pinadadaan.
Sa tuwing sa tingin moy nadadaplisan.
Ang pusot isip koy nag tatagisan.
Parehas kasi nilang gusto-
Ang magpabiktima sa matamis mong karinyo.
Wala akong pake sa mga tinatago mong anino.
Isa lang ang nais ko. Yun ay ang mapasayo.
#capturingheart&mind.
apple
apple
Ngayon, tayoy mga anghel na may maruruming ngiti.
Ang mga bulong ng ahas ay mas malakas yata ngayong gabi
Inaalok mo sakin ang naakusahang-pinagbabawal na bunga
hahayaang itong mga sabik na labi ay magkasala.
Tinititigan ko palang ay kinokunsumo na ang aking kaluluwa.
At nang itoy akin ng mahawakan-
May bumulong sakin.
Simulan mo nang dahan-dahan.
Sinubukan ko ng lasapin.
Ang ahas may huling habilin
Tuloy mo lang . Mas mahusay ka pa kay adan.
Ikaw yata yung bida sa alamat ng ka pang ahasan.
Bihasa ang iyong napiling pakainin.
Gamit ang dila ay nilasahan ko muna ang balat ng iyong hain
Dahil itoy bagong hugas at mamula mula
May kukunin muna ko sa bag kong daladala
Ang alay na buhat-buhat ay ipapatong ko muna sa kama.
Binuksan ang siper at nilabas ang kutsilyo.
Ang paghihiwa ay may sining para sa mga eksperto.
Dinikit ang patalim sa iyong prutas.
Dahil sa pagkasariway may umagos agad na katas
Nakatingin ka sa aking ginagawa.
At dahil nagpapasalamat sa yong sorpresa ay niyakap kita.
Matatapos na ang hapon
Bago ko naubos ang yong mahiwagang baon
Lunes
agosto
image credits to orig uploader
agosto
ikay aking pinagmamasdan
nakatingin ka sa mga suwan
habang tayo'y namamangka
masalamangka nga yata ang lawa.
pero hindi-
nasa labi mo yata.
kahit kasi-
hindi ka pa nagsasalita.
gusto ko ng bumawi-
at sabihing mas mahal kita.
yung pag-alon bahagya
ng iyong mga labi
pag nag-pokus ka sayong ginagawa
yung pag-nguso bahagya
ng iyong mga labi
nang di pinansin ng gansa
ang pagkain na iyong initsa
yung pag-kagat mo bahagya
sa yong labi
nung desidido kang may lalapit satin kahit isa
napalibutan na nila tayo
eto na ang aking paborito
sa mahika .
di naman din talaga ako naniniwala.
pero di ko alam kung saan ako dinadala
ng emosyon ko parati. dahil sayong ngiti.
kaya't sa buhay, di ako mapaagod mag-sagwan
sa malakas ang agos o sa mabato pa yan
basta ikaw ang kasama sa pupuntuhan
alam kong romantiko at masaya ang kalalabasan
#agos- to #august #flow #love. :)
agosto
ikay aking pinagmamasdan
nakatingin ka sa mga suwan
habang tayo'y namamangka
masalamangka nga yata ang lawa.
pero hindi-
nasa labi mo yata.
kahit kasi-
hindi ka pa nagsasalita.
gusto ko ng bumawi-
at sabihing mas mahal kita.
yung pag-alon bahagya
ng iyong mga labi
pag nag-pokus ka sayong ginagawa
yung pag-nguso bahagya
ng iyong mga labi
nang di pinansin ng gansa
ang pagkain na iyong initsa
yung pag-kagat mo bahagya
sa yong labi
nung desidido kang may lalapit satin kahit isa
napalibutan na nila tayo
eto na ang aking paborito
sa mahika .
di naman din talaga ako naniniwala.
pero di ko alam kung saan ako dinadala
ng emosyon ko parati. dahil sayong ngiti.
kaya't sa buhay, di ako mapaagod mag-sagwan
sa malakas ang agos o sa mabato pa yan
basta ikaw ang kasama sa pupuntuhan
alam kong romantiko at masaya ang kalalabasan
#agos- to #august #flow #love. :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
