akoy natatakot,
mauubos ba ang iyong liwanag.
dito sa aking bangungot.
Ikaw ba ang naririnig kong tumatawag.
Malakas ang iyong bulong.
Kaso parang imahinasyon ko lang yun?
Ikaw kaya'y para sakin.
sakim ba ko ? kung di kita patatakasin.
alam kong dapat ikay pinapalaya.
ngunit hindi ko pa kasi kaya.
pagpasensyahan mo na aking mahigpit na palad.
at aking mga pansariling hangad.
luluwagan ko nalang.
at kung ikay sasama sa kapwa mo makinang.
pipikit nalang ako.
Hahayaan ka sayong gusto.
Ngunit ang ikay makapiling-
mananataling pangarap ko pa rin.
#alitaptap
Lunes
ako ang buwan
Andito nanaman si lobo
ano nanaman kayang sinisigaw nito?
subukan ko ngang pakinggan
ang kanyang kabulastugan
"malaasul na dilim ang luwawig.
bumati pati ang lamig.
Sa katulad mong mataas.
ang ibigin ka pa ba'y patas?
Para sa isang lobo.
na-uumibig sa may trono.
alam ko namang malabo.
pero mag babaka-sakali parin ako.
siguro nga'y ikay nalilito.
kung bakit nanaman ako nandito.
pakiusap.wag ka mag-alala.
di ito isang harana.
at alam kong hindi gagana-
ang mga matatamis na salita
para magkaroon ng himala at ika'y makasama.
gusto ko lang talagang umalulong.
Dahil ang aking puso
sasabog na sa kakakulong.
ng mga salitang di ko na kayang itago.
"sobrang mahal na mahal kita!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
your name: *inaudible!"!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"
"#mahal na mahal kita
-----------------------a
Tugma sa buong pangalan mo diba?
#under the violet moon
ano nanaman kayang sinisigaw nito?
subukan ko ngang pakinggan
ang kanyang kabulastugan
"malaasul na dilim ang luwawig.
bumati pati ang lamig.
Sa katulad mong mataas.
ang ibigin ka pa ba'y patas?
Para sa isang lobo.
na-uumibig sa may trono.
alam ko namang malabo.
pero mag babaka-sakali parin ako.
siguro nga'y ikay nalilito.
kung bakit nanaman ako nandito.
pakiusap.wag ka mag-alala.
di ito isang harana.
at alam kong hindi gagana-
ang mga matatamis na salita
para magkaroon ng himala at ika'y makasama.
gusto ko lang talagang umalulong.
Dahil ang aking puso
sasabog na sa kakakulong.
ng mga salitang di ko na kayang itago.
"sobrang mahal na mahal kita!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
your name: *inaudible!"!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"
"#mahal na mahal kita
-----------------------a
Tugma sa buong pangalan mo diba?
#under the violet moon
jupiter
jupiter
hinagis yung kamiseta sa dilim.
umupo. huminga ng malalim.
yumuko. humiga para sana antukin.
bakit hanggang ngayon?
di ka parin mapasakin.
katulad ng iyong nakikita.
masyadong mataas ang aking pagnanasa.
na baka sayong kindat. ako ay matumba.
kamay na maragsa.
ikukulong ko na lamang sa bulsa.
kanina pa kasi hinahalina
ng kutis mong mala porselana.
bituwin ka at ako ang astronomiya
ikaw ay maganda.
at magaling magsalita.
ako ay iyong tagahanga.
nababawasan na ang tulog.
pinag aaralan kung paano ka ba mahuhulog.
beware
beware
Kung maari sana'y -
Wag mo ng ipusod ang iyong buhok.
Ang aking kahinaa'y -
Mga dilag na may makikinis at mapuputing batok.
Ayaw kong pinapakita sa biktima na akoy atat.
Ngunit pinahihirapan ng iyong nakalantad na balikat.
Mataas agad ang sensyasyon ng mga sandali.
Ngunit masyado pang mura ang ating gabi.
Iaabot ko muna sayo ang ating pampakalma.
Pinapalabas ng alak ang bahagyang pula
Sa mala diyosa mong mukha.
Kinikilig ako sa aking mga nakikita.
Sa iyong maikling palda at nakakrus na mga hita.
Sa paraan mo ng pagsubo gamit ang tinidor.
Nawawalan ng bisa ang mga bintilador.
Kanina pa nang gigigil sa pagmamasid.
Sa dagat ng kapilyuhan ang isip -
Ay di na makaahon sa pag kakasisid.
Dinilaan ko ang aking labi.
Nalasahan ko ang iyong puri.
Gustong gusto mo ang aking luto.
At pati ang mga tugtuging romantiko
Ilang beses mo na ring napansin
ang aking matatalim na ngipin.
Ngunit bakit lumalapit ka parin sakin?
Siguro meron ka ding madilim na pantasya.
Kaso binabalaan na kita
Sa oras na tayoy mag simula.
Hindi ako kasing lumanay ng sa pelikula.
#vampire #magingat
Kung maari sana'y -
Wag mo ng ipusod ang iyong buhok.
Ang aking kahinaa'y -
Mga dilag na may makikinis at mapuputing batok.
Ayaw kong pinapakita sa biktima na akoy atat.
Ngunit pinahihirapan ng iyong nakalantad na balikat.
Mataas agad ang sensyasyon ng mga sandali.
Ngunit masyado pang mura ang ating gabi.
Iaabot ko muna sayo ang ating pampakalma.
Pinapalabas ng alak ang bahagyang pula
Sa mala diyosa mong mukha.
Kinikilig ako sa aking mga nakikita.
Sa iyong maikling palda at nakakrus na mga hita.
Sa paraan mo ng pagsubo gamit ang tinidor.
Nawawalan ng bisa ang mga bintilador.
Kanina pa nang gigigil sa pagmamasid.
Sa dagat ng kapilyuhan ang isip -
Ay di na makaahon sa pag kakasisid.
Dinilaan ko ang aking labi.
Nalasahan ko ang iyong puri.
Gustong gusto mo ang aking luto.
At pati ang mga tugtuging romantiko
Ilang beses mo na ring napansin
ang aking matatalim na ngipin.
Ngunit bakit lumalapit ka parin sakin?
Siguro meron ka ding madilim na pantasya.
Kaso binabalaan na kita
Sa oras na tayoy mag simula.
Hindi ako kasing lumanay ng sa pelikula.
#vampire #magingat
Martes
incinerate
incinerate
Ikaw ang apoy at ako ang paru-paro.
Kahit alam kong akoy mapapaso.
Makikipag laro pa din sayo.
Ito ang pag ibig na taliwas.
ngunit nahihirapan na ang makaiwas.
Mas maganda ka pa kasi sa mga pulang bulaklak.
At batid mo kung paano tutuksuhin at isasabak-
Ang katulad kong uhaw na uhaw.
Kanina pa inaakit ng iyong pagsasayaw.
Sa tuwing lalapit ay pinag papawisan.
Bawat detalye mo ay aking pinang gigi gilan
Sige lang wag mong tigilan.
Ang nagliliyab mong katawan-
Kailan ko kaya matitikman.?
Kahit ang kapalit ay tuluyang pag kawala.
Pwede ko bang sipsipin ang iyong kaluluwa?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)