Miyerkules

twilight

                                                       image credits to orig uploader


kailan kaya papalarin- ?
na makatsambang 'yong mapansin.
ibig kong ika'y ayain.
pwede ba nating panoorin ang takip-silim -?
sisindihan naman natin ang kandila bago dumilim.

kay sarap pag masdan.
ang mga naglalag-lagang ginintuang lagas sa daan.
katabi ng dalawang baso at isang bote ng champagne.
meron din akong baon na sandwich para ating papaken.


wag kang mag-alala
wala kong masamang pakay-
balak lang kitang i hele sa
duyan ng mundo nating malumanay.

wag ka din sanang maiilang
kung ang tinititigan koy ikaw lang
sapagkat ang epekto mo
para talagang nahipnotismo ako


o prinsesa , alam ko namang busy ka.
baka pwede lang pumara.
sa kar'wahe mong magara.
mamahalin kita kahit walang sukli .
sana makaarbor lang ng isang sandali.

minero sa bundok




minero sa bundok                

malalalim na dito.
ang dami na ring pag guho.
ragasang pag-kagusto ang dahilan.
inasam kahit walang katiyakan.
at patuloy na nakipag-sapalaran.
'

madilim na naman.
ako ay wala nang makitang daan.
kailangan kita.
iligtas mo naman ako.
landas ko ay maligaw sana sayo.
itong lamig sana ay pawiin mo.
nais kitang makasama. kahit isang gabi aking hirang.
gawin mo ang lahat.ako ay magiging alipin mo lang.


Lunes

lipad

                                                      <image credits to orig uploader>
                       
                                                                               lipad

ating pasisiklaban ang buong maghapon.
kagat ang labing nanabik sa pagkakataon.
ibat-ibang taktika't estilo ang aking baon.
nanamnamin natin ang mahabang patimpalak.
gagawa tayo ng malalakas na palakpak.

gagabayan kita kung saan tayo tutungo.
uugong ang lahat sa bawat tagpo.
rurok ng tagumpay na siguradong mapapasatin.
yun ay dahil sa ikaw ay maganda at akoy magaling.
okasyon na parati-rati mong maaalala.
ngayon sa langit ay ihahatid kita.

Linggo

tuwing kelan kita mahal.?

                                                               image:credits to original uploader


tuwing kelan kita mahal ?


P-akinggan mo ang harana ng hangin.
a-witin nyang para sayo . ay mula sa akin.
l- umingon ka sa mga dahon na sumasayaw
a-ng nasa isip koy ikaw. sa tuwing sila ay         gumagalaw
g- aya ng pagdidikit ng iyong mga labi.
i-tong puso ko na palagian mo nalang        nasasagi

l-agay mo ang palad mo sa iyong puso
a-ng tuluyang pagtibok nito ay katulad ng      pagmamahal ko sayo
n-a kahit hindi tayo nagkikita
g-arantisadong pagaari mo pa rin ako sinta

Biyernes

bula.. la.. kaw?

                   


 bula... la... kaw...?

magdamag nakahiga sa ilalim ng buwan,

ang kaisipan ay patuloy na sumasagwan,

galaw ng mundo ay kay bagal,

habang ang nagtatanghal-

imaheng puro ikaw. ang sa akin ay lumilibang,

hirang ako'y sayo ay mag-aabang,

itong mga mata ay di maalis sayo,

namamangha kahit sayo ay malayo,

tinitingala kong tala ,

ang iyong ganda ay magnipiko talaga,

yayakapin ko ang init mong dala,



san-daang siglo ka man bago tuluyang mahulog,

akoy di magsasawang maghintay sayo kahit di matulog

yugto man natiy di tuluyang magkatagpo-

okey nang alam mo na ikaw lang ang hiling ko.