Lunes

lipad

                                                      <image credits to orig uploader>
                       
                                                                               lipad

ating pasisiklaban ang buong maghapon.
kagat ang labing nanabik sa pagkakataon.
ibat-ibang taktika't estilo ang aking baon.
nanamnamin natin ang mahabang patimpalak.
gagawa tayo ng malalakas na palakpak.

gagabayan kita kung saan tayo tutungo.
uugong ang lahat sa bawat tagpo.
rurok ng tagumpay na siguradong mapapasatin.
yun ay dahil sa ikaw ay maganda at akoy magaling.
okasyon na parati-rati mong maaalala.
ngayon sa langit ay ihahatid kita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento