Huwebes
..basta
image:credits to original uploader
..basta
tama-mali,magaan-mabigat.
ang mga bagay ay may naka'tadhanang kasalungat.
yaman-hirap, umaaraw-umaambon,
oksihen at dioksidong karbon
ang mundo ay bilog pero para tayong naka-kahon
nasasaid ang dati ay umaapaw,
gusto na ang mga dating ayaw,
mga nabuo ay gumuguho,
ang akala mong permanente yun pala ay naglalaho
gaano man ka-kalkulado bigla nalang kakapos
kahit ang sobra ay biglang nauubos
anu mang bagay ang magbago
sabay-sabay mang bumaliktad ang lahat sa mundo ko-
ang lahat ng aberya'y haharapin ko.. ...basta
matitiis ko ang kahit na ano.. ...basta
ang lahat ay tatanggapin ko.. ...basta
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento