Biyernes

bula.. la.. kaw?

                   


 bula... la... kaw...?

magdamag nakahiga sa ilalim ng buwan,

ang kaisipan ay patuloy na sumasagwan,

galaw ng mundo ay kay bagal,

habang ang nagtatanghal-

imaheng puro ikaw. ang sa akin ay lumilibang,

hirang ako'y sayo ay mag-aabang,

itong mga mata ay di maalis sayo,

namamangha kahit sayo ay malayo,

tinitingala kong tala ,

ang iyong ganda ay magnipiko talaga,

yayakapin ko ang init mong dala,



san-daang siglo ka man bago tuluyang mahulog,

akoy di magsasawang maghintay sayo kahit di matulog

yugto man natiy di tuluyang magkatagpo-

okey nang alam mo na ikaw lang ang hiling ko.

Huwebes

paano mawawala?




                                                      image:credits to original uploader


paano ka mawawala?    


estado na walang bukas,

ugok na lumalaban sa sakit na walang lunas.

tumatagas ang dugo-

habang tumatagos ang lason sa puso,

askidente na paulit-ulit nangyayari,

nahuhulog at nalu-lulong sa mali

ang paghihirap kailan matatapos?

sawa na at paos sa kakahikahos,               

ikaw ito nga ata ay mamawawala lang pag ang puso-

ay tumigil na sa pag tibok nito.





Martes

nawala ko nanaman

  


                                                          image:credits to original uploader
            

                                                          

                                            nawala ko nanaman


aamimin ko na-

na ikaw ang dahilan sa likod ng mga tula,

galaw mo ang ang aking pinagbabasehan,

bersong ito ay alay sa ating mga pinagsamahan.

obligasyon ko na lagi kang alalayan,

lumayo ka at hiramin ng iba ay di ko mapapayagan,

pangako ko na parati kang  iingatan,

espesyal ka na para sa akin ay kayamanan,

ngunit, di sadya'y..ikaw ay nawala ko nanaman




Lunes

makita ka

                      

                                                          image:credits to original uploader




makita ka



baryo na puro bagyo ang kasayaw,

ang famoso mong ngiti kailan kaya dudungaw?

hawiin mo na sana ang mga abong ulap na naka-hilera-

abo na pumupuwing sa mga dating nakatingala,

gisingin mo sana ang nakayuko ng mga sanga,

hanguin sana ng malakas mong karisma ang mga natumba,

ang esensya mo na nakakapagbigay ng pag-asa,

repleksyon mo na kahit ang tubig ay mapapahanga,

ikaw ba'y makikita pa ? o sa larawan na lamang sinta?

Huwebes

..basta



                                                        image:credits to original uploader

                             

..basta


tama-mali,magaan-mabigat.

ang mga bagay ay may naka'tadhanang kasalungat.

yaman-hirap, umaaraw-umaambon,

oksihen at dioksidong karbon 

ang mundo ay bilog pero para tayong naka-kahon 

nasasaid ang dati ay umaapaw,                                 

gusto na ang mga dating ayaw,

mga nabuo ay gumuguho,

ang akala mong permanente yun pala ay naglalaho

gaano man ka-kalkulado bigla nalang kakapos

kahit ang sobra ay biglang nauubos

anu mang bagay ang magbago

sabay-sabay mang bumaliktad ang lahat sa mundo ko-

ang lahat ng aberya'y haharapin ko..       ...basta

matitiis ko ang kahit na ano..                   ...basta

ang lahat ay tatanggapin ko..                  ...basta




Miyerkules

o

                                                            image:credits to original uploader




   o



orasyon sa ilalim nya na kada araw ay lumalala
,

laang-gugulin ang natitira wag lang syang mawawala

adiksyon sa kanya na di kayang gamutin ng sinumang albularyo

mas malinaw na yata ang pantasya ko kesa sa mga totoo

bawat oras sadyang pinagpala pag kasama sya

agad naging deboto sa elegante nyang mukha

ngayon man na lumipad at malayo na sya

ang puso ko ay mananatiling sa kanya

Sabado

gasera

                                                          image:credits to original uploader



 gasera       


gahaman din bang maituturing-
ang maakit sa mahiwaga nyang kinang?
masama bang lapitan ang nagbibigay sayo ng liwanag?
ulol lang daw ang sa kanya ay hindi iilag?

gabay at babala nila ay lumayo,
at lumipad lang na di lalampas sa totoo.
minsan nang sinunod ang gusto ng tadhana
obsesyon sa napakalabis nyang tingkad ay sinubukang mawala

sa huli ay parang mas masusunog ka pa pala
at mas mabuti pa ang mamatay kesa malayo sayong gasera


musmos

                                                              image:credits to original uploader


 musmos.



andito nanaman ang musmos na pariwara

naka ilang balik-tingin na sa istanteng mataas at magara

gutom at takam sa tamis ngunit wala namang magawa



kulay na di kayang ibigay ng mga gulay

esensyal na lasa na nakakawala ng anumang umay

nakatulala sa malinaw na presyo

di kinakaila na kapos kahit magsakripisyo

iniisip na may mura naman bakit sa mamahalin pa nag kagusto